-- Advertisements --

Hindi pinayagan ng Philippine National Police (PNP) ang ilang personalidad na bumisita sa nakakulong na si dating Senador Leila de Lima sa kanyang kaarawan sa Camp Crame ngayong araw.

Kabilang sa mga hindi pinapayagang bumisita sa dating mambabatas ay sina dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, dating SC Associate Justice at Ombudsman Conchita Carpio-Morales, Senator Risa Hontiveros at Rep. Edcel Lagman.

Pinagbawalan din sina dating Senador Franklin Drilon, constitutional framer Atty. Christian Monsod, Prof. Winnie Monsod, Former Rep. Tom Villarin, dating kalihim Mar Roxas at Julia Abad, abogado Chel Diokno.

Mismo ang kapatid ng dating mambabatas na si Vicboy De Lima ang nagkumpirma sa nasabing ulat.

Ang kapatid ni De Lima na si Dr. Vicente De Lima, ay unang inihayag bilang bahagi ng listahan na pinagbawalan na bumisita kay De Lima ngunit nilinaw ng kanyang kapatid na si Vicboy na pinayagan siyang makita ang dating mambabatas.

Wala pang ibinigay na paliwanag ang PNP sa nasabing report.