CENTRAL MINDANAO – Pinaigting pa ng Joint Task Force Central ang pagtugis sa mga Local Terrorist Group (LTG) sa lalawigan ng Maguindanao.
Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division chief at JTFC commander Maj. Gen. Juvymax Uy na isang satellite camp ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nakubkob ng tropa ng Ist Mechanized Battalion ng Philippine Army sa Sitio Salpok, Brgy Salman, Ampatuan, Maguindanao.
Narekober sa loob ng kampo ang sangkaterbang mga improvised explosive device (IED) mga sangkap sa paggawa ng bomba, ISIS flag, assorted ammunition, fatigue uniforms, handheld radio at iba.
Umabot na rin sa 14 BIFF at nasawi at dalawa sa militar sa nagpapatuloy na focused military operation ng Joint Task Force Central sa Mindanao.
Sa ngayon ay lomobo pa ang bilang ng mga sibilyan na lumikas sa takot na maipit sa kalat-kalat na engkwentro ng militar at BIFF.