-- Advertisements --
Patuloy ang ginawang pagbabala ng mga health experts sa mga mamamayan na huwag agad magdiwan kahit na maraming lugar sa bansa ang naabot na ang herd immunity laban sa COVID-19.
Ayon kay Dr. Lulu Bravo, Director ng Philippine Foundation for Vaccination, na wala pa ring ebidensiya na kapag naabot na ang herd immunity ay nagiging epektibo laban sa bagong Omicron coronavirus variant.
Panawagan pa niot na huwag magpakumpiyansa dahil baka pumasok sa ibang lugar ang nasabing bagong variant ng COVID-19.
Magugunitang itinuturing ng maraming eksperto na ang Omicron variant na isa ng variant of concern ay sinasabing mas nakakahawa pero hindi gaanong malubha ang epekto sa isang taong dinapuan nito.