-- Advertisements --

Ipinamalas ng Philippine Air Force (PAF) ang Combat Search and Rescue (CSAR) capabilities nito sa ilalim ng Balikatan Exercises 2025.

Dito ay nagsagawa ang mga air force personnel ng realistic operations na sumentro sa pag-rescue sa mga crew ng isang aircraft na bumagsak sa karagatang sakop ng kalaban.

Ginamit ng mga air force personnel ang Bell 205A and Super Huey helicopter upang magsagawa ng helocast insertions at hoist extraction kung saan ligtas na naisalba ang mga crew mula sa teritoryo ng kalaban, sa tulong ng aerial security.

Sa panig ng US ginamit naman ang US C-130J upang makapag-deploy ng medical at survival kit na magagamit ng mga rescuers para sa mga sugatang aircrew.

Idineploy din ng United States Marine Corps ang V-22 Osprey upang magsagawa ng kahalintulad ng misyon.

Ayon sa AFP, ang mga complex drill na isinagawa sa ilalim ng Combat Search and Rescue (CSAR) exercise ay magagamit para mapagbuti ang kahandaan ng bansa sa mga life-saving mission sa mga lugar na may matataas na banta o problema sa seguridad.

Nagsilbing pangunahing venue rito ang karagatan at dalampasigang sakop ng Iba, Zambales.