-- Advertisements --

Dumami pa ang bilang ng mga business at advocacy group na nananawagan para sa privatization ng EDSA Busway System para mag-improve ang karanasan ng mga mananakay.

Sa inilabas na pahayag ng grupo na napapanahon na para isailalim sa privatization ng public-private partnership process na siyang nakakabuti sa karamihan.

Ibinase nila ang datus mula sa Department of Transportation (DOTr) na mayroong 325,000 pasahero ang nabibigyan ng serbisyo ng EDSA Busway System sa kada araw noong Agosto 2022 kahit na mayroon lamang 550 buses ang operational.

Dahi sa nasabing EDSA Busway ay nalimitahan ang oras ng biyahe mula Monumento sa Caloocan City hanggang sa ParaƱaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na mula sa dating tatlong oras ay naging isa’t kalahating oras na lamang.

Ilan sa mga grupo na pumirma sa petisyon ay ang Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce & Industry Inc. (FFCCCII), Management Association of the Philippines (MAP), American Chamber of Commerce of the Philippines (AMCHAM) at maraming iba pa.