-- Advertisements --

Pinayuhan ng gobyerno ng Guam ang mga Filipino doon na manatili lamang sa kanilang bahay dahil sa pananalasa ng bagyong Mawar.

Sinabi ni Patrick Luces ang pangulo ng Filipino Community sa Guam, na nakaranas sila ng kawalan ng suplay ng kuryente at kawalan ng suplay ng tubig.

Karamihang mga kabahayan aniya doon ay konkreto kaya hindi na sila lumikas.

Aabot sa 50,000 na mga Filipinos ang naninirahan sa Guam.

Magugunitang nanalasa ang super typhoon na Mawar kung saan maraming mga punong kahoy ang natumba.