Keanu Reeves Matrix
Keanu Reeves

Labis ang kasabikan ng fans ni Keanu Reeves matapos na ianunsiyo ng Warner Bros. ang muling pagbida niya sa Matrix.

Makakasama ng actor si Carrie-Anne Moss ang original cast mula sa Matrix 1 hanggang 3.

Ayon pa sa Warner Bros. na sabik silang makasama ang muling pagbabalik ni Lana Wachowski na siyang original creative film maker ng pelikula.

Hindi pa inanunsiyo ng kumpanya kung kailang ang pagpapalabas ng nasabing pelikula.

Idinaan naman ng mga fans ang kanilang kasiyahan sa social media at hindi na sila makapaghintay sa naasbing pelikula.