Avril Lavigne
Avril Lavigne/ IG post

Labis ang kasabikan ng mga Pinoy fans ng singer na si Avril Lavigne sa concert niya sa bansa.

Ito ay matapos an ianunsiyo ng concert promoter ang concert ng 35-anyos na singer sa darating na Mayo 20, 2020 sa Araneta Coliseum.

Simula sa Disyembre 21 ay mabibili na ang nasabing concert tickets.

Nakilala ang singer sa kaniyang pop punk music nong 2000 kung saan ilan sa mga pinasikat nitong kanta ay “Complicated”, “Sk8er Boi”, “I’m with You” at maraming iba pa.