-- Advertisements --

Itinuturong dahilan ngayon sa likod ng mababang passing rate ng Licensure Examination for Teachers (LET) ay dahil karamihan daw ng mga estudyanteng nais maging guro ay hindi ganun katalino.

Ito ang naging pahayag ni Runvi Manguerra, executive director ng Teacher Education Council mula sa Department of Education (DepEd).

Sa naganap na pagdinig ng Senate committee on Education kahapon, ipinaliwanag ni Manguerra ang ilan sa mga nakikita nilang dahilan kung bakit sunod-sunod na taon ng mababa ang passing rate ng LET exams.

Ilang ulit kasing pinaalala ni Senator SHerwin Gatchalian ang kanilang mandato na gumawa ng patakaran at standards upang pagandahin pa ang kalidad ng edukasyon para sa mga gustong maging guro sa hinaharap.

Ayon kay Manguerra, tanging 5 percent lamang ang iba’t ibang centers of excellence at centers for development sa bansa.

Dagdag pa nito, hindi raw gaanong matalino ang mga estudyante na pumapasa sa college of education.