-- Advertisements --

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa napaulat na hindi pagbabayad ng buwis ng ilang mga dayuhang nagta-trabaho sa bansa.

Ayon kay BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa, na mayroong mahigit 130,000 na unregistered Chinese na nagtatrabaho sa bansa ganun din ang may 2,000 na dayuhan na nagtatrabaho sa Clark at Subic.

Pawang mga consultants, engineers, designers at IT ang nasabing mga trabahador sa economic zones ng Subic at Zambales.

Bago matapos ang buwang ito ay matatapos na ang gagawin nilang pag-iikot sa mga lugar kung saan nagtatrabaho ang mga dayuhan.