Gulat ang mga dating kasamahan at fans ng dating child actor na si Jiro Manio, 27, makaraang maaresto ito dahil sa kasong frustrated homicide sa kanilang lugar sa Marikina City.

Sinasabing sinalakay ni Manio ang isang Zeus Doctolero, kung saan nasaksak niya ito ng tatlong ulit.

Pero buwelta ng kampo ni Manio, mas nauna si Doctolero na nanghampas daw ng helmet.
Una nang kinupkop ng aktres na si AiAi delas Alas ang dating child actor, matapos na makita ito sa NAIA na nagpapalaboy-laboy.

Nabatid na naiugnay ito sa iba’t-ibang bisyo kaya halos nawala sa sarili.

Si Manio ay nakilala, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang mga bansa dahil sa mga pagkilala sa role nito sa pelikulang Magnifico.