-- Advertisements --

Pumayag ang mga crematorium sa Metro Manila ng fix rate para sa mga pasyente na nadapuan ng coronavirus.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), pinulong nila ang mga punerarya at mga crematorium officials at nagdesisyon sila na P25,000 para sa mga mahihirap.

Sinabi naman ni MMDA spokesperson Celine Pialago, na ang nasabing halaga ay puwedeng sagutin na rin ng local government unit sa pamamagitan ng Department of Social Wefare and Development o DSWD.

Nauna rito maraming mga kaanak ng mga pasyente na nadapuan ng coronavirus ang nagreklamo dahil sa mahal ang pagsingil sa kanila.