-- Advertisements --
Sinimulan na ng Poland ang pag-defuse ng mga bomba na galing pa noong World War II.
Isinagawa ang pag-defuse sa Baltic Sea ang nasa 2.4 tonelada na bomba o katumbas ng 3.6 tonelada ng TNT.
Ayon sa Polish Navy, ang mga ito ay galing sa mga bomba na inihulog ng Royal Air Force sa atake sa Nazi Warship noong 1945.
Sinabi ni Grzegorz Lewandowski ang tagapagsalita ng 8th Coastal Defense Flotilla ng Poland, na unang plano ay gumamit ng deflagration para sunugin ang mga pampasabog hanggang ito ay napagdesisyunan na pasabugin sa Baltic Sea.