-- Advertisements --

Pinayagan na ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang mga barko na lumayag at isakay ang mga stranded na pasahero.

Ayon sa MARINA, kaya nila pinayagan ang nasabing paglayag ay para madala na rin ang mga relief goods sa mga lugar na dinaanan ng bagyong Odette.

Sinabi ni MARINA Administrator Vice Admiral Robert Emperad na pinayuhan niya ang lahat ng mga regional directors ng ahensiya na makipag-ugnayan sa mga may-ari ng mga barko na hindi naapektuhang bagyo.

Inatasan na rin ni Empedrad ang kanilang mga safety engineers na i-assess ang kondisyon ng mga barko at para matiyak na valid ang kanilang mga Certificate of Public Convenience, Special Permit at ibang mga authority to operate.