Planong ipamigay ni dating South Korean President Moon Jae-in and dalawang aso na regalo sa kaniya ni North Korean leader Kim Jong-un.
Ang nasabing desisyon kasi ay matapos ang magkasalungat na kagustuhan nito at ang kasalukuyang gobyerno kung sino ang magpopondo para may mag-alaga sa mga aso.
Ibinigay kasi ni Kim ang nasabing mga aso noong 2018 summit.
Nanatili sa pangangalaga ni Moon ang mga aso ng matapos ang termino nito noong Mayo.
Itinuturing kasi na pag-aari ng estado ang Pungsan dogs na pinangalanang sina Gomi at Songgang.
Ayon sa kampo ni Moon na napapanatili pa rin niya ang pangangalaga sa nasabing mga aso.
Gumagastos kasi ang dating pangulo ng $1,800 kada buwan para sa nasabing aso.
Noong maupo si South Korean President Yoon Suk-yeol ay pinutol na ang pag-pondo dito matapos na ireklamo ng ilang mga mambabatas.