-- Advertisements --
Masayang ibinahagi ni Ruffa Gutierrez ang pagkikita ng kaniyang dalawang anak sa ama nilang si Yilmaz Bektas.
Nagtungo kasi si Ruffa kasama ang anak na sina Lorin at Venice at doon nakasama ang ama na sa loob ng 15 taon ay hindi nakikita.
Sa social media account ng actress ay makikita na sinundo sila ng dating asawa sa paliparan at doon niyakap ng dalawang nito ang kanilang ama.
Nakasama rin ng mga anak ni Ruffa ang kanilang half-sister na si Ilknaz.
Magugunitang noong 2007 ay naghiwalay ang dalawa at ang kanilang annulment ay naaprubahan ng korte noong 2012.