-- Advertisements --

Naghigpit ang Mexico sa pagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.

Ang nasabing hakbang ay unang inaprubahan noon pang 2021.

Kabilang sa pagbabawal ay ang tobacco advertising.

Nangangahulugan nito ang total ban sa advertising, promotion at sponsorship ng mga tobacco products.

Pinagbabawalan din ang pagpapakita ng mga sigarilyo sa mga pamilihan.

Bukod sa Mexico ay may ilang mga bansa sa Latin America ang nagpasa ng batas para magkaroon ng smoke-free public space.

Subalit ang Mexico ay siyang itinuturing na pinakamahigpit na ipinapatupad sa Americas.

Ikinatuwa naman ng Pan American Health Organization ang ginawang paghihigpit na ito ng Mexico.