-- Advertisements --
Desidido si Mexican President Claudia Sheinbaum na sampahan ng kaso ang lalaki na nanghipo sa kaniya.
Nangyari ito habang nagtatalumpati ang pangulo sa National Palace sa Mexico City.
Isang lalaki ang lumapit sa likod niya at tinangkang halikan ito sa leeg at inilagay pa ang kamay sa katawan ng pangulo.
Mabilis na itinulak ng mga security ng pangulo ang lalaki at kanila itong inaresto.
Sinabi ng Mexican President na kung hindi niya sasampahan ng kaso ang suspek ay paano na lamang ang mga ordinaryong kababaihan na basta na lamang binabastos.
Nais nitong maging ehemplo sa mga kababaihan na dapat sila ay nirerespeto.















