-- Advertisements --
Nagpahayag ng suporta ang Metro Manila Council (MMC) sa naging panawagan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na magsumite ng kanilang courtesy resignation ang mga kapulisan dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa iligal na droga.
Sa pamamagitan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Resolution No. 23-01 ay ipinakita ng MMC ang kanilang suporta kung saan isinaad pa ang 1987 Constitution na ang public office ay isang public trust.
Mahalaga aniya ang panawagan ni Abalos para tuluyan ng malinisan ang hanay ng mga kapulisan sa bansa.
Ang MMC ay binubuo ng 17 mga alkalde ng Metro Manila na siyang policy-making body ng MMDA.