-- Advertisements --

Magpupulong muna ang Metro Manila Council kung handa na sila sa pagpapaluwag ng ipinapatupad na quarantine.

Sinabi ni Paranaque Mayor Edwin Olivarez, ang pangulo ng Metro Manila Council na posibleng isagawa ngayong araw o hanggang sa Biyernes ang pagpupulong ng mga alkalde ng Metro Manila para pag-usapan ang kahandaan sa pagpapaluwag na ng lockdown.

Dagdag pa nito na kung ano ang mapagkasunduan sa pulong ay kanilang isusumite ito sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.

Kanilang iisahin ang mga kalagayan at bilang ng mga nadadapuan ng coronavirus sa bawat lugar at pagdesisyunan kung dapat ng luwagan ang ipinapatupad na lockdown.

Magtatapos na kasi sa Hunyo 15 ang ipinatupad na general community quarantine kung saan dedepende ang kalagayan nito kung papalawigin pa ang GCQ o paluluwagan na.