-- Advertisements --

Niyanig ng 4.8 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Luzon ngayong Miyerkules ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, naramdaman ito kaninang alas-8:28 kanina.

Natukoy ang epicenter sa layong pitong kilometro sa hilagang kanluran ng Cabangan, Zambales.

May lalim itong 55 km at tectonic ang pinagmulan.

Narito ang recorded intensities:

Intensity IV – San Felipe, Zambales
Intensity III -Quezon City; Malabon City

Instrumental Intensities:
Intensity III – Olongapo City, Zambales
Intensity I – Quezon City; Marikina City; Malolos City, Bulacan; Gapan City, Nueva Ecija; Guagua, Pampanga