Buhos pa rin ang panawagan ng international community na ipagpaliban ang pagbitay sa isang mentally-disabled na lalaki sa Singapore.
Ito ay ang 34-anyos na Malaysian na si Nagaenthran Dharmalingam na naaresto noong 2009 dahil sinubukan nitong ipasok sa Singapore ang 43 gramos ng heroin.
Kamakailan lang, hindi dininig sa korte ang final appeal ni Dharmalingam at inanunsyo mismo ng pamilya na nakatakda na sa susunod na Linggo ang execution o ang pagbitay sa kanya.
Naka-schedule rin na pupuntang Singapore ang pamilya ng Malaysian man upang makita ito sa huling pagkakataon.
Ayon kay Bombo International Correspondent Mercy Saavedra Cacan direkta sa Singapore, sinabi nito na binibigyang-diin ng mga tawo na nasa 69 lamang ang IQ ni Dharmalingam — level na internationally recognized bilang isang intellectual disability.
Napag-alamang noong nakaraang buwan, sa unang bes mula 2019, binitay rin sa nasabing city-state ang isang drug trafficker.
Ipinapatupad ang death penalty sa Singapore dahil sa iilang offenses gaya ng drug trafficking at murder.