Isang menor de edad at isang lalaki ang naisama ng Department of Health sa listahan ng mga nasugatan dahil sa paggamit ng mga paputok.

Nagtamo ng sugat ang menor ded na batang babae mula sa Cagayan Valley habang burn injuries mula sa sinindihan nitong kuwitis din ang natamo ng 23-anyos na lalaki mula sa National Capital Region.

Sa taya ng DOH na mas mababa pa ng 67 percent ang bilang mga fireworkds-related injuries ngayong taon kumpara noong nakaraang taon.

Patuloy din ang kanilang panawagan na huwag ng gumamit ng paputok at sa halip ay gumamit na lamang ng mga turotot at iba pang kahalintulad.