-- Advertisements --

Pasok na sa ikalawang round ng French Open si world number 2 tennis player Daniil Medvedev matapos talunin si Facundo Bagnis ng Argentinia.

Hindi inindia ng Russian tennis star ang sakit mula ng huli niyang hernia operation matapos makuha ang score na 6-2, 6-2, 6-2.

Unang naglaro sa clay event ngayong 2022 si Medvedev matapos ang dalawang buwang pamamahinga subalit natalo siya sa opening round kay Richard Gasquet ng France.

Susunod na makakaharap nito ang sinumang manalo sa pagitan nina Ricardas Berankis ng Lithuania at Laslo Djere ng Serbia.