Nagbigay-pugay si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga bagong bayani ng bansa lalo ang mga medical frontliners na patuloy na nangunguna sa pakikipaglaban sa COVID-19 pandemic sa bansa at maging sa abroad.
Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag ngayong ginugunita ng bansa ang National Heroes’ Day.
“I join the entire nation as we celebrate this year’s National Heroes’ Day. Today we honor not only the valor of our forebears who fought for the motherland’s freedom but also the heroism of those who risk their lives fighting a different kind of enemy,” ani Pangulong Duterte.
“Present day challenges posed by the current public health crisis have given rise to modern-day heroes, the country’s Filipino frontliners, here and abroad who are battling the COVID-19 pandemic.”
Kasabay nito, hinikayat ni Pangulong Duterte ang publiko na gawing inspirasyon ang kagiitngan ng ating mga bayani para makalikha ng mas magandang kinabukasan ng mga Pilipino.
“I hope that the bravery of our Filipino heroes, past and present, will inspire us all to face and overcome evil in the most formidable situations. Together, let us become everyday heroes as we pursue a better future for everyone. Mabuhay ang bayaning Pilipino,” dagdag ni Pangulong Duterte.