-- Advertisements --

Hindi na saklaw ang mga medical doctors mula sa number coding sa Metro Manila.

Sa inisyung memorandum ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chiarman Romando Artes sa lahat ng traffic enforcers ng ahensiya, hindi na iisyuhan ng citation tickets ang mga medical doctors na lalabas kapag araw ng kanilang number coding.

Paliwanag ni Artes na ito ay isang hakbang bilang pagkilala sa serbisyo ng mga doktor sa publiko sa paglaban kontra Coronavirus Disease 2019 at sa kanilang mahalagang papel para sa pagpapanatili ng healthcare system ng ating bansa.

Kaugnay nito, inaabisuhan ang mga MMDA traffic enforcers na huwag isyuhan ng citation tickets ang mga doktor at payagan silang makapunta sa kanilang destinasyon kapag ang kanilang sasakyan ay lumabag sa traffic volume reduction coding scheme.

Subalit kailangan pa ring magpakita ng medical doctors ng kanilang valid identification cards sakaling hulihin ng traffic enforcers.