-- Advertisements --
Mas malaki umano ang pakinabang para sa paglaban kontra sa pagkalat ng COVID-19 kung gagawin nang isang buwan ang modified enhanced community quarantine (MECQ).
Ayon kay DOH CALABARZON Dir. Eduardo Janairo, bagama’t ipinauubaya nila sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagpapasya sa pinaiiral na quarantine protocols, nagbibigay pa rin sila ng mga opinyon.
Ibinabase lang umano nila ang pananaw sa nakikitang sitwasyon at nangyayaring hawaan ng sakit sa Laguna, Cavite at iba pang nasasakupang lalawigan.
Para kay Janairo, kulang ang dalawang linggong MECQ, dahil kailangan sa ating sitwasyon ng enhanced community quarantine (ECQ) na may minimum period na isang buwan ang itatagal.