-- Advertisements --
Nagtala ng pagtaas ng meat imports ang bansa sa first quarter ng taon.
Ayon sa Bureau of Animal Industry (BAI) na mayroong tatlong porsiyento ang itinaas o katumbas ng 273,640 metric tons kumpara sa 265,517 metric tons noong nakaraang taon.
Ang karne ng baboy at baka ang siyang nagtala ng pagtaas sa overall volume ng imported na karne.
Bumaba naman ang chicken meat imports ng 5.6 percent na mula sa 102,744 metric tons noong nakaraang taon ay nagin 97,031 metric tons sa unang tatlong buwan ng taon.