-- Advertisements --

Personal na dinala ni UFC star Conor McGregor sa ilang mga local na pagamutan sa Ireland ang mga donasyon nitong mga kagamitan.

McGregor
Conor McGregor donation drive

Sa kaniyang social media post makikita na nagbigay ito ng mga gamit sa pagamutan ngayong panahon ng coronavirus pandemic.

Aabot sa mahigit 1-million Euros na mga suplies ang naibigay nitong donasyon sa Crumlin Children’s Hospital sa Dublin.

Hinikayat din nito ang mga kapwa atleta na tulungan ang mga frontliners ng mga pagamutan na lumalaban sa coronavirus.