Paul McCartney
Paul McCartney/ IG post

Mangunguna si Paul McCartney na magtatanghal sa 50th Glastonbury music festival.

Ito mismo ang kinumpirma ng organizer ng pinakamalaking British music festival na si Emily Eavis.

Napili ang dating The Beatles member sa Pyramid Stage sa darating na Hunyo 27 na gaganapin sa Somerset, south-west England.

Isa aniyang katuparan ng isang panaginip ang pagtanghal ni McCartney.

Taong 2004 ng manguna si McCartney sa nabanggit na festival.

Magugunitang sa kabuuang 135,000 na tickets na ibinenta noong nakaraang buwan ay agad itong naubos matapos ang 34 minuto.