Pumirma ng kontrata si retired US boxing champion Floyd Mayweather Jr para sa pinakamalaking celebrity boxing match.

Paglilinaw naman ng kampo nito na hindi ito sasabak sa laban at sa halip ay kabilang lamang siya sa judges.

Ilan sa mga inaasahang maglalaban ay mga NBA players, Hollywood actors at mga MMA fighters.

Gaganapin ang “Fight for a Cause” sa buwan ng Hunyo sa Las Vegas kung saan ang malilikom na pondo dito ay ibibigay sa US Military charities at COVID-19 relief.