ILOILO CITY – Lalong uminit ang tensyon sa bayan ng Sara, Iloilo habang papalapit ang May 13, 2019 elections.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Punong Barangay Ronnie Dorde ng Barangay Preciosa sa bayan ng Sara sinabi nito na pinilit umano ito ni retired Army Gen. Jon Aying na magkampanya para sa kanya.

Ngunit nang tumanggi si Dorde na makisali sa electioneering at partisan politics, dito na binantaan daw ito ng mga armadong tauhan ng dating heneral .

Ayon kay Dorde, nangangamba ito dahil may nagmamanman na mga armadong tao sa kanyang bahay kung saan pinaniniwalaan na inutusan ang mga ito ni Aying.

Kaagad namang humingi ng tulong sa pulisya ang barangay official dahil sa banta sa kanyang buhay.

Sa panayam naman ng Bombo Radyo, nilinaw ni Aying na walang katotohanan ang akusasyon sa kanya ng barangay kapitan.