-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagpositibo sa COVID-19 si Oton, Iloilo Mayor Atty. Carina Flores.

Si Flores ay ina ng singer na si Dingdong Avanzado.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Mr. Jafet Salinas, focal person for COVID-19 ng Oton, Iloilo, sinabi nito na sumailalim sa RT-PCR test ang alkalde matapos nagpositibo sa virus ang kanyang tatlong staff.

Maliban dito, nagpositibo rin sa COVID-19 ang limang empleyado sa Accounting Office ng bayan.

Napag-alaman na isinailalim sa partial lockdown ang munisipyo ng Oton, Iloilo kasunod ng insidente.