-- Advertisements --
MAGALONG AQUINO
Baguio Mayor Magalong

BAGUIO CITY – Nakahanda umano si dating PNP-CIDG Chief at ngayon ay Baguio City Mayor Benjamin Magalong kung magsasampa ng kaso si Philippine National Police chief General Oscar Albayalde laban sa kanya.

Unang inihayag ni Albayalde ang plano nitong pagsampa ng kaso laban sa mga heneral ng pulisya na nagkalat ng umano’y maling testimonya laban sa kanya sa mga pagdinig na isinagawa ng Senado.

Bilang tugon, sinabi ni Magalong na kumpiyansa itong sa kanya papabor ang korte kung ipagpapatuloy ni Albayalde ang naturang plano.

Iginiit ng alkalde na ang mga inilagay niyang testimonya sa Senado ay hindi direktang laban kay Albayalde kundi ito ay para malinisan ang Philippine National Police mula sa mga tinagawag na ninja cops.

Umugong ang balitang naging mainit ang tensyon sa pagitan ni Albayalde at Magalong matapos magtestigo ang alkalde laban sa mga ninja cops kung saan itinuturong may kaugnayan umano ang PNP chief, na agad namang pinabulaanan ng pinuno ng pambansang pulisya.

Nitong nakalipas na weekend ay kumalat pa ang larawan na nakipagkonsulta na si Albayalde sa isa sa top lawyer sa Pilipinas na si dating Justice Minister Estelito Mendoza.

albayalde mendoza