-- Advertisements --

Tiniyak ng main author ng Bayanihan to Recover as One Bill na may kompletong safeguards ang kanilang panukalang batas para makarating ng maayos at hindi maaksaya ang pondong nakapaloob sa mga proyekto ng pamahalaan.

Sinabi sa Bombo Radyo ni Senate committee on finance chairman Sen. Sonny Angara na kaagapay nila ang mga ahensya ng pamahalaan sa pag-monitor ng distribusyon ng tulong para sa pagbangon mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Nasa P140 billion ang nakalaan sa programa, kung saan nakatutok ito sa pagbibigay ng ayuda sa mga maliliit na negosyo, pagsasa-ayos ng mga programa para sa new normal at maging sa testing at contact tracing ng mga naapektuhan ng coronavirus.

Ayon kay Angara, ang mga natutunan sa implimentasyon ng Bayanihan to Heal as One ay malaking bagay para magamit sa mas epektibong implimentasyon ng Bayanihan 2.