Sinampahan na raw ng Philippine Coast Guard (PCG) ng patong-patong na kaso ang kumpanya at mga opisyal ng Hong Kong vessel na MV Vienna Wood matapos mabangga sa karagatan ng Mamburao, Occidental Mindoro ang fishing vessel ng mga Pinoy na mangingisda.
Ito ay ang FV Liberty 5 na lulan ang 14 Pinoy na ngayon ay kasalukuyang nawawala.
Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo, nagsampa ang PCG ng reckless imprudence resulting to multiple homicide and damage to property sa Provincial Prosecutors Office sa Mamburao kaninang umaga.
Ito ay matapos na makatugon ang PCG sa requirement ni Prosecutor Rowena Garcia-Villaflores.
Samantala, sinabi ni Commodore Balilo na ang full search and retrieval operations para sa labing apat na sakay ng Liberty 5 ay magpapatuloy hanggang bukas, July 7, 2020