Labis pa rin nagdiriwang ang fans ni Dallas Mavericks star Luka Doncic matapos na ito ay magtala ng panibagong record sa kasaysayan ng NBA.
Siya lamang kasi ang unang manlalaro sa kasaysayan ng liga na nagtala ng triple-double sa first half lamang ng laro.
Naganap ang nasabing pagsungkit nito ng record ng talunin ng Mavs ang Utah Jazz.
Sa first half lamang ng laro ay nagtala na si Doncic ng 29 points, 10 rebounds at 10 assists.
Nalampasan na rin nito si NBA legend Larry Bird na mayroong 60 triple double sa kaniyang career.
Sa una ay hindi makapaniwala ang Slovenian player na nagtala ito ng record sa kasaysayan ng NBA at ng ianunsiyo ay labis itong nasiyahan.
Kaliwat-kanan naman ang pagbati mula sa fans at kapwa atleta ang natanggap ni Doncic mula ng maitala ang nasabing record.