-- Advertisements --

Magsasagawa ng pulong ang Department of Trade and Industry (DTI) sa ilang mga manufacturers sa mga susunod na araw.

Ayon kay Trade Secretary Cristina Roque, pag-uusapan nila ang hirit ng mga ito ng pagtaas ng hanggang 5 porsyento ng kanilang presyo.

Dagdag pa ng kalihim na karamihan sa mga manufacturers na humihirit ay ang mga nagbebenta ng mga pang-noche buena.

Plano naman ni Roque na pakiusapan ang mga ito na huwag munang magtaas ng presyo dahil sa mga naranasang pagdaan ng mga kalamidad sa bansa.

Sa susunod din na mga araw ay maglalabas sila ng Noche Buena price list para maging basehan ng mga mamimili.