Photo courtesy of Dallas Mavericks

Kumolekta ng 24 points si Justin Jackson, na dinagdagan naman ni Salah Mejri ng 16 points at 14 rebounds para sa 122-102 panalo ng Dallas Mavericks laban sa Philadelphia 76ers.

Sinamantala ng Dallas ang pagliban ng mga starters ng 76ers na sina Joel Embiid at Jimmy Butler at bumuo ng 20-point lead sa pag-uumpisa ng third na kanilang napanatili.

Ipinasok ni Jackson ang 16 sa kanyang kabuuang puntos sa third quarter, kabilang na ang siyam ng huling 11 ng Mavs.

Ang German superstar namang si Dirk Nowitzki ay kumamada ng pitong puntos, kabilang na ang isang 3-pointer na nagbigay ng 68-50 halftime lead sa Dallas.

Mistulang nanamlay din ang Sixers matapos magmintis ang huli nilang 14 shots sa first half.

Sinara naman ng Dallas ang half sa kanilang 28-8 run, na tinapos ng tres ni Nowitzki.

Sumandal ang Philadelphia kina J.J. Redick na may 26 points, Tobias Harris sa kanyang 25, at Ben Simmons 17.