Sumama ang actor na si Mateo Guidicelli sa relief operations ng Philippine Army sa mga biktima ng pagsabog ng bulkang Taal sa Batangas.

Sa kaniyang Instagram post, kasama ng actor ang AFP kung saan naka-uniporme din ito ng pang-sundalo.

Isa ang Barangay Poblacion 3 sa Sto. Tomas ang kanilang pinuntahan at binigyan ng mga relief goods.

Isa kasi ang Batangas sa lugar kung saan nakatalaga ang mga evacuation center ng mga lumikas mula sa bayan ng Talisay at Agoncillo.

PInasalamatan din nito ang mga nagbigay ng mga tulong para sa sa mga biktima ng pagsabog ng bulkan.

Patuloy din ang kaniyang panawagan kaniyang mga fans na magbigay ng tulong sa mga biktima ng pagsabog ng bulkang taal.