-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Hindi muna itinuloy ang National Executive Board meeting ng League of Cities of the Philippines (LCP) na nakatakda sanang ganapin sa Manila ngayong araw.

Ayon kay Bacolod City Mayor Evelio “Bing” Leonardia, national president ng LCP, ang pagkansela ng assembly ay napagkasunduan matapos ang konsultasyon ng LCP officials kay President Rodrigo Duterte nitong Lunes.

Ito’y para sa public safety at health concerns na dala ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Dagdag pa nito na matagal na sana nilang inaabangan ang LCP assembly dahil una na itong na kansela noong Enero dahil naman sa pagputok ng Taal volcano.

Taal exclusive photo 4
Taal volcano

Noong nakaraang buwan, hindi rin natuloy si Leonardia sa kanyang trip sa Abu Dhabi, United Arab Emirates, para naman sa 10th session ng World Urban Forum dahil din sa banta na dala ng COVID-19.