-- Advertisements --
Itinuturing ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na nagawa ng kaniyang mga sundalo ang imposible tulad ng nagawang mapigilan ang ikalawang pinakalamaking malakas na sundalo sa mundo at ito ang Russian forces.
Pahayag ito ni Zelensky kasabay sa ika-100 araw mula ng lusubin ng Russia ang Ukraine noong Pebrero.
Dagdag pa nito, hindi nagtagumpay ang Russia sa kaniyang plano na makontrol ang Ukraine at sa halip ay ibinaling na lamang nito ang atensiyon sa pagdamay sa mga sibilyan at pagwasak sa mga imprastraktura.
Ipinagmalaki pa nito na nalalapit na nilang makuha ang panalo laban sa Russia.