CAUAYAN CITY – Malaki ang maitutulong ng 2023 Bambanti Festival sa ekonomiya ng Isabela pangunahin na ang mga maliliit na negosyante.
Inihayag ito ni Provincial Information Officer Atty. Elizabeth Binag kaugnay ng matagumpay na pagdiriwang ng Bambanti Festival na nilahukan ng mga bayan sa Isabela kabilang ang tatlong Lunsod.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Atty. Binag na marami ang dumalo, nakibahagi at nanood sa iba’t ibang programa ng Bambanti Festival 2023.
Ilan lamang sa minor problem na naranasan sa pagdiriwang ay ang pagbagal ng daloy ng trapiko nang isinasagawa ang street dance at dance showdown.
Maagap namang nakontrol ang daloy ng trapiko ng mga marshall, Provincial Security Group at mga kasapi ng pambansang pulisya ng Pilipinas.
Nahati din aniya ang atensyon ng pamahalaang panlalawigan dahil kailangan na tutukan din ang nawawalang Cessna 206.
Magugunitang overall champion ang Quirino, Isabela sa ginanap na Bambanti Festival 2023.
Nakamit ng Quirino ang first place sa festival dance showdown, second place sa street dance gayundin sa Bambanti King at Bambanti Queen.
Nakamit din ng LGU Quirino ang ikalawang puwesto sa booth competition, ikatlong puwesto sa Giant Bambanti at nasa top 10 ang pambato sa Queen Isabela 2023 at texters choice awardee.
First Place naman ang bayan ng San Agustin, tabla naman sa second place ang lunsod ng Ilagan at Alicia habang third place ang Cauayan City.
First place naman sa Street dance Parade Category A ang Cauayan City, second place ang bayan ng Alicia; third place ang bayan ng Jones, fourth Place ang lunsod ng Santiago at fifth place ang lunsod ng Ilagan.
First place naman sa Category B ang bayan ng San Agustin, second Place ang bayan ng Quirino, third Place ang bayan ng Sta. Maria at fourth Place ang bayan ng Cabatuan.
Nakuha ng bayan ng San Agustin ang overall 1st runner up matapos makuha ang first place sa street dance competition, fourth place sa Dance Showdown, third place sa Makan ti Isabela habang second place sa Giant Bambanti.
Fourth place ang kanilang pambato sa Festival Queen at fifth place ang kanilang pambato sa Festival King.
Nakuha naman ng lunsod ng Ilagan ang 2023 Bambanti Festival Overall second runner up matapos mapanalunan ang Best Bambanti Agri Ecotourism Booth, Second Place din ang kanilang pambato sa Bambanti King and Queen 2023.
Fourth place ang lunsod sa Festival Dance Showdown at Fifth Place sila sa Street Parade.
Inihayag ni Atty. Binag na malaki ang maitutulong ng 2023 Bambanti Festival sa ekonomiya pangunahin na ang mga maliliit na negosyante.
Noong buwan ng Disyembre ay binuksan ang banchetto na malaking tulong sa small and medium enterprises na dinarayo hanggang ngayon.
Maging ang mga booth na naka-display ang mga produkto ng bawat bayan at lunsod ay binibili ng mga mamamayan.