-- Advertisements --
Ang mataas na presyo ng pataba at langis ang siyang nakitang dahilan ng grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa pagtaas ng presyo ng kada kilo ng bigas.
Ayon kay SINAG Presiden Rosendo So, na hindi lamang sa Pilipinas mayroong pagtaas ng presyo ng bigas dahil ito ay nararanasan sa Thailand, Pakistan, Vietnam at India.
Sa world market aniya ay mayroong $100 per metric tons ang pagtaas.
Kailangan pa aniyang mag-normalize ang presyo ng langis bago aniya makamit ang pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na P20 kada kilo ng bigas.
Magugunitang tumaas ng P5 ang kada kilo ng bigas sa ilang pamilihan sa Metro Manila at ilang bahagi ng bansa.