Pinakikilos ni Presidential adviser for entrepreneurship Sec. Joey Concepcion ang local executives sa mga lugar na mataas pa rin ang vaccine hesitancy.
Karamihan kasi sa mga probinsyang ito ay mataas pa rin ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19, habang nasa hanay sila ng “poorest of the poor areas.”
“Vaccine hesitancy in the province is very high. The poorest of the poor are misinformed about vaccines,” wika ni Concepcion.
Maging ang local health officials ay pinatutugon na sa problema, lalo’t napag-iiwanan na ang mga lugar na may mga umaayaw pa sa pagbabakuna.
Ayon kay Concepcion, nagiging limitado ang galaw sa isang lugar kung kakaunti ang nabakunahan at mataas ang COVID cases, kaya mahalagang magkaroon ng tamang gabay ang mga residente.
Sa ngayon kasi ay may mga gusali na tanging ang mga bakunado ang prioridad na pumasok.