-- Advertisements --

Nakakumpiska ang Department of Trade and Industry (DTI) ng mahigit 3,000 na uncertified na mga home appliances.

Isinagawa ang operasyon ng DTI sa isang bodega sa Bulacan.

Nagkakahalaga ng P13.2 milyon ang halaga ng mga iba’t-ibang appliance na kinabibilangan ng electric kettles, electric fans, pressure cookers, rice cookers, multi cookers, induction cookers at blenders.

Ang nasabing mga appliance ay ibinebenta sa online ng walang anumang markings.

Nagsagawa muna ang DTI ng test buy at napatunayan na walang Philippine Standard (PS) marks at import Commodity Clearance (ICC) stickers.