Maaring abutin umano ng 30 araw ang pagsasa-ayos at pagbalik ng kuryente sa mga lugar sa Masbate, matapos sumailalim sa state calamity dahil sa hagupit ng bagyong Opong.
Ani Governor Richard Kho, ang bagyong Opong ang pinakamalakas na tumama sa lalawigan ng Masbate, bagamat naging handa umano ang probinsya sinabi nitong hindi nila inasahan na ganito kalaki ang magiging pinsala ng bagyo.
Kasabay nito passable na rin ang ilang lugar sa Masbate ngunit nanatiling delikado ang mga natumbang poste at mga nakalaylay na kable ng kuryente.
Nagpasalamat naman si Gov. Kho sa tulong na natanggap mula sa national government na umabot sa mga munisipyo ng prosbinsya.
Samantala ang tulong naman na nanggagaling para sa mga isla ng Ticao at Burias ay nanggagaling mula sa Legazpi City at Albay.














