-- Advertisements --

Posibleng tumagal pa hanggang sa buwan ng Oktubre ang mataas na naitatalang kaso ng COVID-19, bago ito magpapatuloy sa pagbaba.

Ito ang sinabi sa Bombo Radyo ni Dr. Guido David ng OCTA Research Group, base sa trend ng mga pumapasok na data sa mga nakalipas na linggo.

Ayon kay David, bagama’t may mga pagbaba na sa maraming lugar, may areas pa ring nananatili ang malaking naidaragdag na kaso sa mga nakalipas na araw.

Naniniwala umano sila na epektibo ang mga hakbang ng pamahalaan kaya nagkakaroon ng downtrend sa mga kaso ng hawaan.