Pumanaw na ang bida sa MasterChef Junior na si Ben Watkins sa edad 14.

Ayon sa pamilya nito, dinapuan ito ng kakaibang uri ng cancer.

Lumabas si Watkins sa sikat na cooking show sa US noong 2018.

Inilarawan ni TV chef Gordon Ramsay si Watkins bilang talentadong tagaluto ng pagkaing pambahay at isang malakas na bata.

Noong 2017 ng pinatay ng kaniyang ama ang ina nito bago nagpakatiwakal.

Natuto itong magluto sa barbecue restaurant ng kaniyang ama na si Michael sa labas ng Chicago.

Bukod sa nasa cash register ay ibinebenta rin nito ang kaniyang sariling gawang cookies, brownies, cinnamon rolls at banana bread.

Tinuruan siya ng kaniyang ina na magluto ng iba’t-ibang klase ng ulam.