-- Advertisements --

Asahan umano ang mas mabilis na tulong ng pamahalaan sa mga mahihirap na isinusugod sa mga pagamutan.

Ito ang inanunsyo ni Senate committee on health chairman Sen. Bong Go, makaraang maipasa sa pinal na pagbasa ng Senado ang kaniyang panukalang Malasakit Center Act of 2019.

Layunin umano nito na pagsama-samahin ang lahat ng uri ng tulong na ibinibigay ng Department of Health (DoH), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa ilalim ng isang lugar lamang.

Nilinaw ng opisyal na hindi sila lilikha ng panibagong ahensya at sa halip ay ginawan lang ng sistema ang one-stop shop para sa medical at financial assistance.

Sa ngayon mayroon nang 50 Malasakit Centers na nakakalat sa buong bansa at nakapagsilbi na ang mga ito sa mahigit 160,000 pasyente.